Pagpapahalaga at Pasasalamat
Ma. Cristina D. Padolina
July 1999 Los Baños, Laguna
Magandang umaga sa inyong lahat. Kami ay nagagalak sa inyong pagdalo sa pasinaya ng aming unang gusali. Natutuwa din kami dahil nabigyan kami nang pagkakataon na bigyan ng pagpapahalaga ang mga tumulong sa UPOU, hindi lamang sa pagpapatayo ng gusaling ito ngunit lalong-lalo na sa pagkakatatag at pag-unlad ng UPOU.
Mahaba at makulay ang daan na aming tinahak sa pagpapatayo ng gusaling ito. Nagkaroon muna kami ng kaso at nasubukan namin ang humarap sa korte. Ngunit magaling ang aming abogado at ang kanyang mga associates, walang iba kundi ang ating University Legal Counsel, Atty. Carmelita Yadao-Guno (Mimi), Atty. Greg Cabantac at Atty. Sally Quirino. Masinop at masusing humawak ng kaso and grupo ni Atty. Guno.Kami ay nagpapasalamat at madali nilang nairaos ang aming kaso.
Napakakomplikado ang magpatayo ng gusali kung ang pera ay sa gobyerno. Ilang komite ang kailangan dito. At kami ay nagpapasalamat sa mga naging miyembro dito.
PRE-QUALIFICATIONS, EVALUATION & AWARDS COMMITTEE (PEAC)
Dr. Louie A. Divinagracia, Chairman
Prof. William L. Fernandez, Member
Arch. Alfredo M. Peņaranda, Member
Ms. Luisita C. Lameyra, Support Staff
TECHNICAL WORKING GROUP (TWG)
Arch. Cristopher S.P. Espina
Arch. Cesar G. Aljama
Arch. Amalia M. Parchamento
Engr. Gregorio S. Pascual
COMMITTEE ON BIDS AND AWARDS FOR INFRASTRUCTURE (CBA)
1st Batch CBA Infrastructure
Dr. Myrna C. Belarmino, Chairman
Atty. Marie Sally Grace K. Quirino, Secretary/Member
Atty. Imelda N. Orpiada, (take the place Atty. Quirino)
Atty. Filemon O. Nolasco, (acted as substitute for Atty. Orpiada)
Engr. Ruben D. Tanqueco, Member
Ms. Lorna E. Deangkinay, ICO Representative
Ms. Encarnacion B. Jaen, Accounting Representative
Pura SV. Amoloza, Support Staff
Lilian D. Diamante, Support Staff
2nd Batch CBA Infrastructure
Dr. Myrna C. Belarmino, Chairman
Atty. Lily Freida Macabangun-Milla, Secretary/Member
Engr. Edgardo N. Paras, Member
Prof. Liza C. Carascal, Member
Ms. Lorna E. Deangkinay, ICO Representative
Ms. Encarnacion B. Jaen, Accounting Representative
Pura SV. Amoloza, Support Staff
Lilian D. Diamante, Support Staff
Dalawa sa mga miyembro ng mga komiteng ito ang nais kong bigyan ng higit na pagpapahalaga. Sila ay si Greg Pascual at Dr. Virgilio Garcia. Si Dr. Garcia ang manager ng proyekto at si Greg naman ang technical consultant. Sila ang mga advisers namin at dahil sa kanilang malawak na karanasan, napakarami nilang alam na mga detalye sa pagpapatayo ng gusali. Halimbawa. isinaayos nilang mabuti ang utilities ng gusali. Mayroon itong underground cistern para sa tubig at dalawang tangke sa bubong. At nakahanda ito sa brown-out sa pamamagitan ng 250 kva generator.
Naging masuwerte rin kami sa pagpili ng mga arkitekto. Ang pangalan ng kanilang kompanya ay DACY Architects/Planners. Ang pangalang DACY ay hinango sa mga unang letra ng pangalan ng mga senior architects sina Archt. Nestor S. David, Archt. Armando Alli (Project Manager), Archt. Napoleon. S. Cruz, at Archt. Rizalino V. Yazon. And mga iba pang naging bahagi ng proyekto ay sina Archts Joy Alarcon, Alice Yazon (ang interior designer) Jesusito Tiongco, Rowell Quipquip at Candido Valdez. Parang pinagtiyap ng tadhana na isa sa kanila ang arkitekto ng paboritong workshop venue ng UPOU ang R & R Resort sa Pansol.
Nagpapasalamat kami sa DACY sa magandang disenyo ng gusaling ito at nagpapasalamat din kami na pinagtiyagaan nilang maisama sa disenyo ang marami naming kahilingan. Ang halimbawa nito ay ang hiling namin na gawing moderno ang disenyo ng gusali ngunit lagyan ito ng maka-Pilipinong elemento. Kaya kung mapapansin ninyo ang disenyo ng aming bakod, at rehas ng mga bintana at pintuan ito ay may mga zigzag na dibuho. Ito ay hinango sa katutubong disenyo na ginagamit ng Bagobo, Manobo at Mandaya-Mansaka sa kanilang kagamitan at kasuotan. Sinasagisag nito ang kidlat na maganda ang kahulugan para sa Open University sapagkat ang kidlat ay bunga ng elektrikal na penomenon sa kalawakan at batid naman natin ang kahalagahan ng elektrisidad sa pagpapatakbo ng mga makabagong teknolohiya lalo na sa komunikasyon. Ang mga katutubong Pilipino ay gumagamit ng simbolo ng kidlat sa kanilang mga kasuotan upang ipaalam sa iba na isinasaloob nila ang kapangyarihan ng kidlat at hindi sila takot sa kidlat. Ganon din naman ang UPOU na handang gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya na pinakikilos ng elektrisidad upang mapaunlad ang edukasyon sa ating bansa. Ngunit hindi totoo na hindi kami takot sa kidlat. Takot kami riyan lalo na at nasa gitna kami ng bukid, kayat ang gusali ay may pansangga sa kidlat o lightning arrester.
Kami ay naging mapalad din sa pagpili ng contractor na si Mr. Diosdado Cervantes ng DL Cervantes Construction. Maganda silang kausapin at magaan katrabaho. Ganoon din naman ang kanyang kapatas na si Engr. Edgardo Santos. Mahusay at pulido ang trabaho nila. Mukhang maganda naman ang buena mano niya dito sa UP sa gusaling ito ng UPOU kaya nakuha din niya ang isa pang contrata sa UPLB naman. Sana ipagpatuloy niya ang kanyang magandang umpisa sa UP.
Mayroon pa kaming isang grupo na tumulong sa pagpapatayo ng gusaling ito at ito ay ang aming construction managers na sina Engr. Lemuel Malicay, Arch. Jose R. Peņaflor at ang kanilang mga assistants na sina Archt Noel Alcaraz at Mr Mener Castro . Sila ang tumutok sa konstruksyon at naniguro na maipatupad ang plano. Marami rin silang naitulong sa pagpapabuti ng orihinal na plano at pagpapatupad ng talatakdaan ng gawain.
Nais din naming pasalamatan si Dr. Leonido Naranja ang aming landscape consultant. Natutuwa kami na tinaggap niya and aming hamon na bigyan niya ng katangiang-Pinoy ang halamanan ng UPOU at gumamit siya hanggat maaari ng mga katutubong punongkahoy. Kaya't mapapasama sa mga itatanim o sa mga itinanim na ay mga katulad ng dao, tagisang bayawak, dapdap, almaciga, amugis, bitaog, balakat gubat, palosapis, malugai, at iba pa.
May mga simbolo ang pagkaka-ayos ng mga halaman sa dalawang ikutan sa harap ng gusali. Naghanap kami ng disenyo para sa rotonda na magpapahiwatig na isa sa mga katangian ng UP Open University headquarters ay ang ito ay isang knowledge hub kung saan nagmumula ang rayos ng kaalaman patungo sa mga studyanteng nakakalat sa ibat ibang rehiyon ng bansa. At napili namin ay isang disenyo ng mga Maranao.
Sa harap naman ng pasukan sa gusali ay minabuti naming bigyan ng pagkilala ang aming mga kabakas sa ibang bansa katulad ng Simon Fraser University ng Canada na aming pangunahing kabakas. Ang dibuhong binubuo ng mga halaman ay isang representasyon ng mga Bagobo ng pigura ng palaka. Ang palaka ayon sa alamat ng mga katutubong tao sa Canada ay siyang tagapagpahatid-balita sa pagitan ng dalawang mundo. Kuwento mula sa Hilagang Amerika, disenyo mula sa Pilipinas - simbolo ng mahigpit na kawing na naguugnay sa dalawang universidad. And komunikasyon ay mahalaga sa edukasyon at ang teknolohiya ng comunikasyon ay mahalagang pangkawing ng pagtuturo at pagaaral sa Open University.
Ang isang malaking kontribusyon ng SFU sa gusaling ito ay ang plano para sa cabling o wiring ng gusali kung saan ang mga computers ay naka-network at nakahandang i-network din para sa panlabas na komunikasyon. Ipinadala ng SFU si Mr Worth Johnson ng dalawang ulit bilang consultant. Yung mga naglibot kanina, marahil ay napansin na mayroon kaming tatlong kuwarto na susun-susong, isa sa bawat palapag. Ito ay mga computer and cabling rooms na naguugnay-ugnay ng lahat ng computer sa gusali. Dito nakalagay and mga hubs, servers, LAN switches, routers at modems. Napansin din ninyo ang mga raceway sa dinding ng mga silid kung saan tumatakbo ang mga kable at kung saan nandoon ang suksukan ng jacks ng computer at telepono. Ang wiring ng gusali ay nasa Category 5, ito ang pinakamataas na category sa ngayon, at kaya nitong humawak ng digital data hanggang 100 million bits per second.
Ang UPOU ay magkakaroon din ng sariling PABX telephone system na digital at kayang magpatakbo ng sabayang paguusap ng higit sa dalawang lugar.
Ang isang gusali, bago maitayo, siyempre kailangan ng lupa. Ang naghanap at nagtukoy ng lupang ito na kulang-kulang na dalawang ektarya ay walang iba kundi ang ating Presidente Emil Q. Javier. Alam niya na kailangang maiwasan ang identity crisis ng UPOU sa kanyang kalapit na UPLB kayat ibinigay niya sa UPOU ang tanging lupa ng UP dito sa Los Baņos na katabi o naka-pronta sa national highway. Ito ay para magkaroon ng sariling pasukan ang UPOU.
Kinikilala din namin ang magandang pagpapaubaya ng International Rice Research Institute na gamitin namin ang lupa na sa katunayan ay nakacontrata sa kanila at ginagamit pa rin nila. Nagbigaydaan din ang mga ilang mananaliksik ng ULPB na gumagamit ng kapiraso ng lupang naitalaga sa UPOU.
Hindi lang lupa ang kailangan higit sa lahat ay pera para sa pagpapatayo ng gusali. At lubos kaming nagpapasalamat sa naging tulong ng Kgg. na dating Congressman Rolando R. Andaya, Sr. na maisama sa regular budget ng UPOU ang pondo para sa gusali.
Ngunit ang mas mahalaga ay naniniwala ang Kgg. Andaya, Sr. sa mga adhikain ng UP Open University kayat siya ang kauna-unahang nagbigay ng pondong tangi para sa UPOU. Kaya marapat lamang na siya ang magpasinaya sa gusaling ito at ipangalan sa kanya ang gawad sa mga indibidwal na nagbigay ng tanging kontribusyon sa pagpapairal ng open learning at distance education sa ating bansa. Sa katunayan siya ang dapat bigyan ng unang gawad.
Nais di naming banggitin ang napakahalagang bahagi na ginampanan ng Board of Regents sa pagkakatatag at pagunlad ng UPOU. Naging bukas ang kanilang kaisipan sa nakakaibang pamamaraan at pamamalakad ng UPOU. Kinikilala namin ang bukod tanging kontribusyon ni Rehente Alfonso sa pgbibigay inspirasyon sa aming adhikain.
Natutuwa kami na narito si Dr. Dionisia Rola. Kinakatawan niya sa kanyang pagdalo sa okasyong ito si Rehente at Congresswoman Teresa Aquino Oreta. Ngunit siya ay may sariling contribusyon sa UPOU dahil sa siya ang tumutulong sa magsasaayos ng mga panukalang batas hinggil sa open and distance learning sa Congreso at Senado.
Si Presidente Javier ay napakagaling talagang bumasa ng bolang kristal at mag-isip ng mga bagong ideya. At pag naisip na niya ang bagong ideya ay halos ipinauubaya na niya sa iba ang pagpapatupad nito. Kayat ang kanyang mga Bise-Presidente ay hindi magkandatuto sa trabaho.
Nagpapasalamat kami sa lahat ng Bise-Presidente ng UP dahil kami ay talagang inalagaan nila. Si Dr. Malou Doronila, hindi pa Bise-Presidente ay umaalalay na sa amin at isinama niya sa Education Research Program ang pananaliksik tungkol sa distance education. At nang siya ay naging Bise-Presidente para sa Gawaing Pampubliko ay tinulungan niya kami sa image building ng UPOU.
Naging napakahalaga ang Opisina ng Bise Presidente para sa Administrasyon sa amin dahil ang nag-uumpisang institusyon na katulad namin ay hindi lamang nangangailangan ng pondo ngunit higit sa lahat ay kailangang matutong mag-alaga ng pondo, at mamahala ng mga tauhan. Simula kay Prof. Bernabe, at sumunod si Prof. Briones at ngayon kay Prof. Licuanan ang opisina ng Bise-Presidente para sa Administrasyon ay nagbigay sa UPOU ng napakahusay na suporta at pagsasanay sa amin. Lahat halos ng opisina sa ilalim ng Bise-Presidente para sa Administrasyon ay tumulong sa amin. Ngunit ang higit sa lahat na umalalay sa amin ay ang Controllership and Budget Office (CBO) na pinangungunahan ni Prof. Vicky Catibog. Napakatiyaga ni Prof. Catibog na sumagot sa napakarami naming katanungan at magpaliwanag kung bakit hindi puwede ang mga iba naming gustong gawin at magbigay-payo sa wastong gawa. Napakarami kong natutunan kay Prof. Catibog at isang napakagandang payo niya na aking sinusunod hanggang ngayon ay ang ilagay ang Budget Office sa ilalim ng Office of the Chancellor. Sabi niya sa akin, na kailangan ko ito bilang Chancellor para maipatupad ko ng maayos ang mga programa ng Unibersidad. Vicky, maraming salamat sa inyong pag-aalaga sa amin.
At sa dating only Boy sa kabinete ni Presidente Javier, kami rin ay lubos na nagpapasalamat. Sa kanyang mga plano, hinding-hindi niya kinakalimutan ang UPOU. Ngunit ang pinakatangi niyang kontribusyon sa UPOU ay gawa na rin na siya ay Director ng Institute for Small Scale Industries at sa kanyang pangunguna ay maganda ang pinairal niyang samahan ng UPOU at ISSI. Naging mahalaga sa amin na ibinigay niya sa UPOU ang kaukulang role namin sa isang programa na kung kanyang ninais niya ay maaring solohin ng ISSI. Maraming salamat Boy sa halimbawang iyong ipinakita.
Bagamat si Dr. Emmanuel Velasco ay bagong hirang lamang na Bise-Presidente ang kanyang opisina ay may napakahalagang role sa UPOU at kami ay nagpapasalamat na binigyan niya ng kaukulang konsiderasyon ang pangangailangan ng UPOU sa komunikasyon.
Hinuli ko ang pagbanggit kay Dr. Olivia Caoili ang Bise-Presidente para sa Gawaing Academico dahil sa ganang-UPOU sa lahat ng mga Bise-Presidente ng Pangulong Javier siya ay bukod tangi, kung sa Latin, primus interpares. Huwag magseselos ang mga ibang Presidente dahil sa totoo lang, binigyan na namin ng hiwalay na parangal si Dr. Caoili. Isinabay namin ito noong bigyan namin ng parangal ang mga naging Dean ng Schools for Distance Education ng UPOU. Katangi-tangi si Dr. Caoili dahil isinaloob niya talaga ang role na defender of the faith ng UPOU. Sa mga pulong, na naroon siya, kwidaw kang umatake sa UPOU at makakarinig ka talaga ng impassioned defense mula sa kanya. Kaya ng amin siyang parangalan tinawag namin siyang mother hen ng UPOU.
Madalas kong masabi sa aking mga kasama sa UPOU, na napakahirap magkaroon ng napakasisipag na Bise-Presidente dahil napakarami nilang pinagagawa. Tunay na napakapalad ni Presidente Javier sa kanyang mga Bise-Presidente. Malaki ang kanilang bahagi sa tagumpay ng administrasyon ng Presidente.
Dr. Helen Lopez, hindi kita nakakalimutan. Nasa Information Office ka pa lang ikaw ay nagbigay na ng napakahalagang suporta sa UPOU sa pamammagitan ng malawak na paghahayag sa publico ng tamang inpormasyon at kabatiran tungkol sa UPOU at hindi ito tumigil noong ikaw ay maging Secretary of the University. Maraming salamat sa tiyaga at pasensya ng inyong mga tauhan sa aming pangangailangan sa Board of Regents. Ngunit hindi kami maaaring magbigay-halaga sa inyong opisina na hindi namin bibigyan ng tanging pansin si Mr. Ananias Aurelio, si Mang Aning, ang random access memory (RAM) ng Unibersidad na may memoryang nasa scale ng gigabytes, hindi ordinaryong RAM, SDRAM pa, synchronous, dynamic RAM at expandable pa.
Nabanggit ko na minsan sa isang pulong na ako ay bunso sa aming magkakapatid at magpipinsan kaya mayroon akong kasanayan sa pagpapatakbo ng bunsong unibersidad sa UP system. Ang kaibhan lang ay mayroon kaming kambal, ang UP Mindanao. Nagpapasalamat kami na mayroon kaming mababait na kapatid, mapagbigay sa pagpapahiram ng kanilang resources tao, kasangkapan, kuwarto at iba pa, mapasensiya sa mga ilan naming pagkakamali, matiyagang magturo sa nararapat at maunawain sa aming mga ambisyon. Bagamat kung minsan ay may generation gap kami ng aming mga nakatatandang kapatid, nagsikap naman silang umunawa sa mga nais naming isagawa. Chancellor Perla Santos Ocampo, Chancellor Claro Llaguno, Chancellor Ida Siazon, Chancellor Ruben Villareal at sa aking kambal na Chancellor Roger Cuyno, maraming salamat. Kasama sa aming pagpapasalamat ang mga Vice Chancellor at ibang opisyal ng mga autonomous universities ng UP.
Sa mga Chancellor ay mayroon ding first among equals sa aming pagpapahalaga at siya ay walang iba kundi si Chancellor Villareal. Napakahaba ng listahan ng naitutlong ni Chancellor Villareal ngunit and nangingibabaw ay ang kanyang bukas loob na pagpapahiram ng mga tauhan, gamit, gusali at iba pa. Mabuti na lang at masagana sa resources ang UPLB at kayang-kanyang magpahiram. Marami sa nabanggit ko kanina na mga tumulong sa pagpapatayo ng gusaling ito ay tauhan ng UPLB.
Hindi sapat ang aming pagpapahalaga sa aming mga kapatid sa unibersidad kung hindi namin isasama na bigyan ng parangal ang mga kolehiyo na aming katuwang sa mga ilang programa. Sila ay sina
Dekano Pacifico Payawal, College of Arts and Sciences, UPLB,
Dekano Luis Velasco/dating Dekano Cecilio Arboleda, College of Agriculture, UPLB,
Dekano Ma. Celeste Cadiz, College of Development Communication, UPLB,
Dekano Mario Perilla, College of Economics and Management , UPLB
Dekano Leticia Ho/ dating Dekano Lilia Rabago, College of Education, UPD,
Dekano Evelina Pangalangan, College of Social Work and Community
Development,UPD
Dekano Ledevina Cariņo/dating Dekano JoseEndriga, College of Public Administration, UPD
Dekano Benjamin Vitasa/dating Dekano Veronica Chan, College of Public Health, UPM
Dekano Cecilia M. Laurente/ dating Dekano Thelma Corcega, College of Nursing, UPM
Malaki rin and naging bahagi ng Colehiyo ng Arte at Literatura ng UPD sa pangunguna ni Dean Josefina Agravante sa pagsulong ng aming Asoociate in Arts. Gayon din ang Kolehiyo ng SSP na pinangungunahan ni Dean Beth Ventura. Sa katunayan, si Dean Ventura at Dean Agravante ay may mga iba pang contribusyon sa mga gawain ng UPOU.
Mayroon ding isang natatanging indibidwal na sa simulat sapul ay nagbigay suporta sa UPOU sa maraming bagay at situwasyon - sa pagtatatag ng Learning Center sa UP College Cebu, sa pagtulong kumausap at kumumbinsi ng mga tao, sa paghahanap ng pondo at marami pang iba. Ito ay walang iba kundi si Dean Coring Villalobos.
Siguradong marami pang iba sa UP na tumulong sa UPOU na hindi ko nabanggit ngayon ang pangalan ngunit kulang ang isang umaga kung iisa-isahin ko ang lahat ng mga pagkakataong kami ay inalalayan nila. Isang pangkalahatang pagpapasalamat ang ipinaaabot namin sa bawat isa sa inyo.
Hindi ako nagbanggit ng mga opisyal o kawani ng UPOU sapagkat sa pagkakataong ito, kaming lahat sa UPOU ang nagpaparangal at nagpapasalamat sa iba. Ngunit nais kong pasalamatan at bigyan papuri ang lahat ng opisyal at kawani sa kanilang ginawang paghahanda sa okasyong ito. Lahat ay mayroong papel na ginampanan - maliit at malaki. Ngunit anumang paggawa ng maayos - sa munting bagay o sa malaki - ay karatdapat bigyan papuri. Salamat din sa aming kaibigan na si Alex Cortes at ang kanyang mga kasama sa kanilang pagtatanghal. Kami ay nagbibigay din bukod tanging pagkilala sa manlililok na si Jerusalino Araos na sumagot sa aming hamon na bigyan ng gumawa interpretasyon ang oblation na angkop sa UPOU
Ang aming pinakamaigting na pasasalamat ay hindi sa taong mortal kundi sa Diyos na makapangyarihan sa siya naming gabay at kaagapay sa lahat ng aming gawain. Ang lahat ng aming pagpapagal ay alay sa kanya.
Ngayon ako ay dadako sa pagbibigay ng bukod tanging pagpapahalaga sa ating Presidente. Alam kong lahat kayo ay sasang-ayon na ang isang katangi-tangi at kahanga-hangang abilidad ng Presidente ay ang kanyang pananaw. Malayo ang pananaw ngunit matalas ang paningin. At kami sa UPOU ay isa sa mga ang benepisyaryo sa kanyang mahusay na pananaw.
Ngunit kung pananaw lamang ang kanya, walang masyado itong saysay. Ang kakambal nito ay ang kanyang galing mag-strategy. Sa dalawang katangiang ito nagmumula ang kanyang husay at tagumpay bilang isang lider.
Ang kanyang desisyon na itatag ang UPOU ng mas maaga sa una naming pinag-usapan ay naging kritikal sa pagsulong ng UPOU. Perfect timing, ika nga.
Bilang isang miyembro ng kanyang team, binibigyan ko ng malaking halaga ang kanyang paggabay sa mga ilang desisyon na kinailangan kong gawin. Pinapahalagahan ko rin na kahit mayroon siyang alinlangan o pasubali sa aking mga ibang desisyon ay patuloy pa rin ang kanyang suporta. Alam ko na hindi siya nasiyahan noong sumabit ang aming pagpili ng arkitekto sa gusaling ito ngunit tumulong pa rin siya na malutas namin ang problema. At may mga pagkakataon na hindi ko sinunod ang payo niya at ito ay humantong sa sitwasyon na lumabas na tama siya ngunit hindi niya kailanman sinabing, Sabi ko na sa iyo, eh.
Ngunit higit naming hinahangaan sa kanya ay ang kanyang marubdob na pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kapakanan ng Pilipino lalot higit ang mga istudyante at kawani ng UP. Makikita ito sa mga programang kanyang pinalusong ang EEAS, Provident Fund, programa sa pagpapayabong ng paggamit ng Filipino at iba pa.
Sa sentro ng gusaling ito ay aming itinayo ang isang interpretasyon ng Oblation. Nakasulat dito,
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa
wala na nga, wala.
Hindi ko maaring sabihing handog ng UPOU kay Presidente Javier and eskulturang ito na lilok ni Jerry Araos sapagkat ito ay maliwanag na alay sa sambayang Pilipino. Ngunit masasabi namin na ang obra arte na ito ay bantayog sa administrasyon ni Dr. Javier sapagkat noong siya ay umupo bilang ika-17 Presidente ng Unibersidad ng Pilipinas ipinangako niya na iaalay niya ang Unibersidad sa serbisyo ng bansang Pilipinas ang kanyang tinubuang bayan. Aling serbisyo pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila?
Mabuhay kayo, Presidente Javier. Pagpalain nawa kayo ng Diyos na inyong pinapurian sa inyong paglilingkod sa Universidad ng Pilipinas sa nakaraang anim na taon. Sabi nga sa banal na kasulatan, "Magaling, tapat at mabuting katulong! At sapagkat ikaw ay naging matapat sa maliit na bagay na ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain kita ng lalong malawak"
